KINGS' EYE: Quarantine (A.Y. 2020-2021)

POV: INANG KALIKASAN ANG SABI NI INA

by Pia Margaret V. Ozaeta

Itong babae na hinahangaan ng lahat Nakakaakit ang kulay ng kaniyang mahiwagang kutis Para sa kaniya’y kumikinang ang mga tala sa alapaap At tila ba’y bulaklak na bigkis Bahay sa lahat ang ibinibigay niya Tubig, pagkain, hangin upang buhay ang hindi pumalya Tungkol doon sa ibinalik natin kay ina? Eto lamang ang masasabi niya...

Hindi, ayoko ng isa dalawa tatlo Ilang numero pa ba ang bibigkasin ko Upang makita niyo nasasaktan na ako Upang makita niyo na hindi na ito kalikasan Sa araw-araw na pagtatapon ng basura papunta sa puso ko Sa pagbigkas ng mga salitang “wala akong pake sayo” Ano pa ba ang ibibigay ko Upang makita niyo ang kahalagahan ng nasa paligid niyo

PAGE 42

Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online