KINGS' EYE: Quarantine (A.Y. 2020-2021)

SAKAL NG PANDEMYA

by Yja Coelis Regina L. Castor

Panlasa! Panlasa! Nasaan ka? Doktora! Doktora! Bakit ang hirap huminga? Tanong ng mga Pilipinong walang disiplina Distansya! Distansya! Sigaw ng mga kasama Ang tanging sandata sa kalabang hindi makita Mga ingay na nadirinig natin ngayon pandemya Anak! Anak! Inuubo ka! Ayan na ba ang sintomas ng kaman- dag ni Corona?

Ayuda! Ayuda! Sigaw ng mga naghihirap na pamilya Buwaya! Buwaya! Maawa ka! Ilabas mo sa iyong bulsa ang para sa masa Pasensya, pasensya, sardinas na muna Iyon ang sabi ng ama No work, no pay ang patakaran nila Anak pasensya, pahinga ka muna sa eskwela Wala tayong pera para makagamit ng teknolohiya Saka na muna ang iyong diploma

PAGE 44

Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online