2025 Higher Education Learning Solutions Catalog

Eksploratori Modyul sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Ang aklat na ito ay tumatalakay sa mahahalagang bahagi at asignatura ng edukasyong pantahanan at pangkabuhayan. Sa aklat na ito, binibigyang-pansin ang karunungang pantahanan na nagbibigay-lalim sa kaalaman sa pag-aalaga sa sarili, pangangasiwa ng pagkain, paghahanda ng pagkain, paggawa ng kasuotan, at higit sa lahat, kalusugan at kaligtasan sa mga gawaing bahay. Binibigyang-diin din nito ang sining ng pag-agrikultura na magbibigay ng kaalaman patungkol sa hortikultura, pagpaparami ng halaman, paghahayupan, at pag-aalaga ng isda o aquaculture. Bukod dito, mayroon ding mga aralin patungkol sa sining industriyal na naglalayong maging pamilyar ang mga mag-aaral sa mga salik at mahahalagang prinsipyo sa pagkakarpintero, pagtutubero, paghihinang, at pagmamason. Tatalakayin din ng aklat na ito ang teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon na nagbibigay sa mga mag-aaral ng mahahalagang aralin tungkol sa mahusay na paggamit ng kompyuter, computer servicing, at technical drafting. Matapos mabigyang-lalim ang pag-aaral ng sining pantahanan, pang-agrikultura, at pang-industriyal at teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon, bibigyan din ang mga mag-aaral ng mga aralin tungkol sa pagnenegosyo na magbibigay ng kabuhayan gamit ang mahahalagang kasanayang ito. Sa bahaging ito, bibigyang-halaga at diin ang pagtatayo ng negosyo at mga aral na makatutulong sa pag-angat ng buhay dahil sa pagnenegosyo. Ang halaga ng praktikal at mahahalagang aplikasyon kasama ng malalim na pag-intindi ng mga prinsipyong gumagabay sa iba’t ibang sining ay magbibigay sa mga mag- aaral ng paraan upang maging produktibo sa mga larangang ito.

TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA

Sunshine E. Umayam

Siya ay isa sa mga guro ng Pangasinan State University. Siya ay nagtapos mula sa Pangasinan State University-Sta. Maria Campus ng Bachelor in Secondary Education, major in Technology and Livelihood Education, noong 2013. Natapos niya ang kaniyang Master of Arts in Technology Education, major in TEPP, sa Don Mariano Marcos Memorial State University-Mid La Union Campus. Bilang focal person ng unibersidad, siya ay nangunguna sa programa ng Bachelor of Technology and Livelihood Education, na dating kilala bilang Bachelor of Secondary Education, major in Technology and Livelihood Education. Bukod dito, siya rin ay kasapi sa iba’t ibang organisasyon gaya ng PAITE, Inc., PAFTE, PHEA, PATHESCU, GODDHELEP, SUCTEA, at POTTE, Inc.

Alangelico O. San Pascual

Siya ay isang Special Science Teacher sa Research Unit ng Philippine Science High School Main Campus (PSHS-MC). Noong 2015, siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños ng BS Agriculture, major in Horticulture, na nag-specialize sa Plant Breeding. Samantalang noong 2021, natapos niya ang Master of Science in Horticulture, minor in Plant Breeding, sa parehong paaralan. Bago maging guro sa PSHS-MC, siya ay isang university research associate sa Institute of Plant Breeding, College of Agriculture and Food Science, UPLB, kung saan naging bahagi siya sa mga pananaliksik ukol sa pagpapalahi ng mga prutas at ornamental plants.

Maurice B. Gravidez

Siya ay ang academic coordinator sa Agham at Chair ng Gender and Development Committee ng De La Salle Araneta University (DLSAU). Siya ay nagtuturo ng Science sa high school at elementary. Nagtuturo din siya ng Zoology, Veterinary Science, Botany, at Histology sa College of Veterinary Medicine and Agricultural Sciences sa DLSAU. Noong 2010, siya ay nagtapos ng BS Biology for Teachers sa Philippine Normal University. Makakamit niya ang Master of Arts in Teaching Science ngayong 2024 sa University of Caloocan City. Siya ay Microsoft® Certified Educator at Microsoft® Innovative Educator Expert, Apple® Teacher, at Verified Educator ng Kahoot! Academy®.

Rowena P. de Guzman

Siya ay isang katuwang na propesor sa Departamento ng Agham Panlipunan sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños (UPLB). Nakapagtapos siya ng Master sa Sining ng Sosyolohiya at Bachelor of Science in Human Ecology sa UPLB. Ang kaniyang pangunahing interes sa pananaliksik ay nasa sosyolohiya ng agrikultura. Siya ay aktibong nakikilahok sa mga pananaliksik na nakatuon sa mga sistema ng agrikultura, pagtanda, mga organisasyon, social enterprise, at pagsusuri ng epekto ng mga programa at proyekto na may kinalaman sa pagpapabuti ng buhay ng tao, kung saan ginagamit niya ang iba’t ibang disenyo ng pananaliksik tulad ng survey, kuwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik, at pinaghalong pamamaraan ng pananaliksik. Madalas din siyang naiimbitahan bilang tagasuri ng mga extension project at resource speaker patungkol sa research methods. Nakapaglathala na rin siya ng ilang siyentipikong artikulo sa mga dyornal.

2025 Higher Education Learning Solutions for the Teacher Education Program 364

Made with FlippingBook Ebook Creator