Introduksiyon sa Pamamahayag
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga kaalaman sa pamamahayag. Itinatampok sa aklat na ito ang wika ng pamamahayag bilang isang wika ng pangmasang komunikasyon na may maikli, siksik, payak, kaakit-akit, makinis, malinaw, demokratiko, populista, lohikal, at gramatikal na pagpapahayag. Gumagamit ito ng tumpak na diksiyon, nagsasaad ng paggamit ng mga aktibong pangungusap, umiiwas sa teknikal na salita, at sumusunod sa etika ng pamamahayag. Ang Introduksiyon sa Pamamahayag may tungkuling maipakita sa mga mag-aaral ng pamamahayag ang mga batayang kaalaman mula sa pangangalap ng impormasyon, sa pagbuo nito, hanggang sa pagsasahimpapawid ng impormasyon sa paraang edukasyonal at nakaaaliw.
TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA
Nilda B. Bendalan
Siya ay propesor sa Philippine Military Academy ng mga kurso sa lenggwahe, humanidades, at agham panlipunan. Siya ay tagapagsalin ng mga teksto sa Filipino, isang manunulat, patnugot, at tagapayo ng mga pamahayagang pampaaralan. Nakapaglathala na siya ng mga aklat sa larangan ng retorika. Ang ambag niya sa aklat na ito ng pamamahayag ay bunga ng kaniyang mayamang karanasan sa pamamahayag at dahil ito’y kaniyang kinagigiliwan.
Juanita C. Berong
Nakamit niya ang kaniyang Ph.D. in Language Education sa Saint Louis University. Bilang guro at manunulat ng mga kurso sa lenggwahe at literatura, nakabuo siya ng programa sa pagbasa para sa mga kolehiyo. Nagturo siya ng prinsipyo ng pamamahayag at pag-aaral ng wika upang lalong mapabuti at mapaunlad ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Philippine Military Academy.
Vilma A. Dumpayan
Siya ay propesor sa Philippine Military Academy sa Department of Humanities na nagtuturo ng mga kurso sa agham panlipunan, humanidades, pilosopiya, at lenggwahe, kasama ang Retorika at Pamamahayag. Nagtapos siya ng kaniyang Bachelor in Secondary Education sa Saint Louis University at nakamit ang Master in Filipino as a Second Language at Doctorate in Language Education sa Benguet State University. Tagapagsalita at facilitator siya sa iba’t ibang pangkolehiyong seminar.
Jennifer M. Fernandez
Siya ay propesor sa Philippine Military Academy na nagtuturo ng mga kursong English, Filipino, Literatura, Humanidades, at Pananaliksik. Ang kaniyang Bachelor in Secondary Education, major in Filipino, at minor in Physical Education ay tinapos niya sa Saint Louis University, at ang kaniyang Master in Filipino as a Second Language at Doctorate in Language Education ay sa Benguet State University.
2025 Higher Education Learning Solutions for the Teacher Education Program 369
Made with FlippingBook Ebook Creator