2025 Higher Education Learning Solutions Catalog

Modyul para sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I (Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino)

Magsisilbing gabay at patnubay ang modyul na ito sa mga magiging guro na magtuturo ng Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya I (Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino). Isang hamon ang pagiging baguhan sa larangan ng pagtuturo at ang pagtuturo sa harap ng klase sa unang pagkakataon. Kung kaya, tutulungan ka ng modyul na ito na maunawaan ang kasalukuyang kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon, makabuo ng banghay-aralin, at malaman ang mga estratehiya sa pagtuturo at iba’t ibang paraan ng pagtataya para sa iyong paghahanda sa bagong landas na tatahakin—ang pagtuturo. Hangad nitong maakay ka at makaagapay sa iyong paghahanda upang maging isang epektibong guro ng Filipino sa malapit na hinaharap. Ito ay magpapaangkin sa mga mag-aaral ng aral na ang pagiging guro ay higit pa sa trabahong magbahagi ng kaalaman at humasa ng kasanayan, kundi maging tuntungan at daan nila upang mapalawak ang saklaw ng kanilang sariling anino sa ilalim ng araw, taglay ang busilak na kaloobang nagpapahalaga sa wikang Filipino at nagsasabuhay ng kulturang Pilipino.

TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA

Roseta V. Comiso-Gallo

Si Roseta V. Comiso-Gallo ay kasalukuyang supervising education program specialist ng Filipino sa Bureau of Curriculum Development, Curriculum Standards Development Division ng Department of Education Central Office. Nagturo siya ng Filipino sa elementarya sa Sangay ng Lungsod Antipolo sa loob ng pitong taon at tatlong buwan sa senior high school. Nagsilbi rin siyang guro ng Filipino sa kolehiyo sa La Salle College of Antipolo nang dalawang taon. Nagtapos siya ng Batsilyer ng Agham sa Edukasyong Pang-elementarya noong 2007 at Master ng Sining sa Pagtuturo ng Filipino noong 2011. Siya ay kasalukuyang kumukuha ng doktorado sa programang Curriculum and Instruction sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.

Restituto M. Mendoza

Si Restituto M. Mendoza ay kasalukuyang konektado sa Department of Education (DepEd) bilang senior education program specialist sa Bureau of Curriculum Development, Special Curricular Programs Division ng DepEd Central Office. Nagturo siya ng Filipino sa sekundarya nang tatlong taon at sa kolehiyo nang walong taon sa Immaculate Conception College Balayan, Batangas. Nagsilbi rin siyang guro/tagapag-ugnay sa Filipino at guidance counselor sa Jose Lopez Manzano Tuy National High School sa loob ng walong taon at dalawang taon sa senior high school sa Tuy, Batangas. Kasalukuyan siyang kumukuha ng doktorado sa Batangas State University.

Rene P. Sultan

Si Rene P. Sultan ay kasalukuyang konektado sa Department of Education, Sangay ng Lungsod Davao bilang education program supervisor. Nagtapos siya ng Bachelor in Secondary Education major in Filipino sa Cor Jesu College noong taong 2000. Natapos niya ang mga kursong Master of Arts in Education, Master in Public Administration, at Doctor of Education sa Unibersidad ng Mindanao sa Lungsod Davao; habang ang Doctor of Public Administration ay natapos niya sa Southwestern University sa Lungsod Cebu. Nagturo siya ng Filipino sa Philippine Science High School-Southern Mindanao Campus noong 2000 hanggang 2006 at sa Doha Carmen Denia National High School (DCDNHS) noong 2007 hanggang 2015 at gumanap siyang tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino ng DCDNHS sa loob ng tatlong taon. Nagtuturo din siya sa paaralang gradwado ng Rizal Memorial Colleges bilang part-time teacher mula 2008 hanggang sa kasalukuyan.

2025 Higher Education Learning Solutions for the Teacher Education Program 422

Made with FlippingBook Ebook Creator