Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay proactive at mga matiyagang innovator sa harap ng anumang hamon. Madali silang umangkop at may kumpiyansa sa pagharap ng mga bagong problema habang nakikilahok sila sa mga kontekstong mahalaga sa kanila. Nauunawaan nila at nalulutas ang mga problema at natutugunan ang mga kumplikadong problema sa bago at malikhaing mga paraan batay sa kanilang mga kakayahan, kabilang ang mga kakayahan bilang mga multilingual o neurodiverse na mag-aaral. Ang mga estudyante ay may kumpiyansa at determinasyon na harapin ang mga panganib at makabangon mula sa kabiguan habang sila ay nagtututo at umuunlad, alam na sila ay matututo sa pagsubok at ang kabiguan ay isang pagkakataong matuto. Bukas ang isip ng mga estudyante at gumagamit ng kakayahang maunawaan at igalang ang kultura ( cultural competence ) upang gumawa ng mga makabagong solusyon para sa mga pandaigdigang isyu upang makatulong at makinabang sa iba. Nakikinig sila sa feedback at aktibong nag-aambang sa mga solusyon. Bukas sila sa mga bagong ideya at magkakaibang pananaw habang umaangkop sila sa mga bagong sitwasyon. Bukas sila sa mga pagbabago at ideya ng iba, habang naghahangad silang gumawa ng mga pagpapabuti. Isinasama ng mga estudyante ang mga panlabas na mapagkukunan at lhikal kapag nag-aaral ng data upang suportahan ang mga solusyon sa mga problema. Mga Gumagawa ng Maka- bagong Ideya o Paraan sa Paglutas ng Problema
Sting My Heart D’arcy Denessen Tenth Grade San Diego High
Orgullo Viviann Coronado Twelfth Grade San Diego High
9 / Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online