Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay patuloy na nagpapakita ng kakayahang maunawaan, gamitin, at pamahalaan ang sariling emosyon at ng iba ( emotional intelligence ). Ang mga estudyante ay nakikibahagi sa pag-uusap tungkol sa kanilang kapakanan upang matiyak na nakukuha nila ang kanilang kailangan. Gumagamit at nagpapanatili sila ng mga tool at kasanayan upang mapagnilayan nila ang kalusugan ng kanilang pag-iisip at damdamin at itaguyod ang kanilang kailangan, at bukas sila sa pagtanggap ng tulong upang matugunan ang hindi pagkakasundo at maiwasan ang paglala. Sila ay may kumpiyansa, gumagamit ng positibong pakikipag-usap sa sarili, at tumutugon sa stress sa malusog at produktibong mga paraan. Ang lahat ng estudyante, kabilang ang mga multilingual na mag-aaral at mga estudyanteng may mga espesyal na pangangailangan, ay may mataas na pagpapahalaga sa sarili sa loob at labas ng silid-aralan, tumayo para sa kanilang mga sarili, magtanong, at kontrolin ang kanilang edukasyon at buhay. Ina-access nila ang mentorship at mga oportunidad ng suporta kung nahihirapan sa anumang kasanayan. Ang mga estudyante ay may kaisipan ng pag-unlad ( growth mindset ) at kakayahang tumugon sa isang nakababahala o hindi inaasahang sitwasyon ( emotional resilience ). Alam nila na ang mga pagkakamali ay mga hakbang at kusang magsigasig sa mga kahirapan. Pakiramdam nila ay ligtas silang matuto, dahil alam nilang sila ay nakikita at pinapakinggan at mahalaga ang kanilang boses. Ang epektibong mga kasanayang harapin at makayanan ay nagbibigay daan sa kanilang maging handang harapin ang stress at pagkabigo sa mga positibo, malusog na paraan. Inaako nila ang pananagutan sa kanilang mga pagkilos at salita at inuugali ang pagpapatawad ng kanilang mga sarili at ng iba. Ang mga estudyante ay may kasanayan sa pagkilala at paggalang sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iba at pagtugon sa mga pangangailangang iyon sa isang mapagmalasakit na paraan. Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang ugnayan ng tao at sila’y mababait, mapagmalasakit, at tumatanggap ng mga pananaw ng iba. Mahusay nilang nilalandas ang mga hamon sa lipunan at alam nila kung paano nakaapekto sa iba ang kanilang mga pagkilos habang alam nila na ang mga kilos ng iba ay nagpapakita ng nakaraang trauma at karanasan. Gamitin, at Pama- halaan ang Sariling Emosyon at ng Iba Mga Nag-iisip na May Kakayahang Maunawaan,
10 / Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online