Mga Kinatawan ng Pagba- bago na May Kamalayan sa Lipunan
Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay malalakas ang loob at marurunong na mga miyembro ng lipunan na nagtataguyod para sa mga maliliit at malalaking pagbabago, sa lokal at pandaigdigan. Mayroon silang matatag na sariling pagkakakilanlan habang tinatanggap at pinahahalagahan rin ang iba na naiiba sa ating lokal at pandaigdigang komunidad. Nakikita ng mga estudyante ang kanilang sarili at kanilang mga kasama bulang mga lider na responsible sa kanilang sarili at sa iba. Nakiki-ugnay sila sa buong mundo gayundin sa kanilang lokal na komunidad sa diwa ng paggalang at pakikipagtulungan upang matugunan nila, makaangkop, at malutas ang mga kasalukuyang pangangailangan ng lipunan. Ipinapahayag ng mga estudyante ang alalahanin at pagmamalasakit patungo sa maraming isyu, kabilang ang mga isyu sa lipunan at kapaligiran. Ang mga estudyante ay may kamalayan sa kapaligiran at nagtataguyod para sa at nagsusumikap upang positibong makaapekto sa mga patakaran sa klima. Alam nila ang mga nangyayari, sa lokal gayundin sa ibang komunidad o iba’t ibang bansa, na humahantong sa hindi pagkakapantay-pantay pati na rin ang mga solusyon sa maraming alalahanin, mula sa access sa mga mapagkukunan hanggang mga kondisyon ng kalusugan. Nakikipag-ugnayan ang mga estudyante sa magkakaibang kultura at pananaw. Magaling sila sa pagkilala at paghinto ng rasismo at iba pang uri ng pang-aapi dahil mayroon silang malalim na pag-unawa sa iba na hindi magkatulad ang pagkakakilanlan, backgroun, kultura, o karanasan. Ang mga estudyante ay may kumpiyansa sa sarili, alam na mahalaga ang kanilang boses, at ginagamit ito upang labanan ang mga hindi pagkakapantay-pantay bilang isang mahalagang bahagi ng isang demograpikong lipunan. Aktibo silang humahanap ng tool upang maging mga kinatawan ng pagbabago at nakakapagbigay ng mga ugnayan sa mundo sa labas ng silid-aralan. Itinataguyod ay nakikibahagi sila sa pakikipag-alyansa para sa sarili at sa iba, lalo na sa mga dating pinagkaitan ng boses, at binibigyan nila ng kakayahan ang iba na marinig ang kanilang mga boses at maging kinatawan ng pagbabago.
Nakikita ng mga estudyante ang kanilang sarili at kanilang mga kasama bulang mga lider na responsible sa kanilang sarili at sa iba .
11 / Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online