Tagalog - I Am Vision for 2030

Mga Nakikipag-ugnayang Nakatuon sa Pagkakapantay-panta y

Ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ay may kakayahang umangkop sa paghahanap ng mga paraang makipag-ugnayan sa mga pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon gaya ng email, nang personal, telepono, o video call. Nakatuon sila sa pagbuo ng mga magalang na kaugnayan na may bukas na pakikipag-ugnayan sa mga estudyante, pamilya, at iba pang kawani at nakikipag-ugnayan sa mga paraan na nagpapatibay sa kanilang mga kaugnayan habang nakikilala nila ang mga taong kanilang pinaglilingkuran at ang kanilang mga pinagmulan. Nakatuon ang mga tagapagturo sa katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay at tinatanggap ang pagkakaiba-iba ng kultura sa pamamagitan ng pagsisikap na alisin ang mga hadlang na maaaring maranasan ng mga estudyante at pamilya sa mga sistema ng paaralan. Nauunawaan nila ang mga pangangailangan at nakikilala ang trauma at pang-isahang mga pangangailangan upang pinakamahusay na masuportahan ang mga pakikipag-partner sa mga pamilya. Maingat ang mga tagapagturo sa kanilang sariling pagkiling at maunawain sa mga paniniwala ng kanilang magkakaibang estudyante at pamilya, tinitignan na mabigyan sila ng kakayahan. Ang mga tagapagturo ay may kakayahang maunawaan at igalang ang kultura ng iba at hinaharap ang bawat pakikipag-ugnayan nang may pagkamausisa, kakayahang umangkop, pagmamalasakit, bukas na pag-iisp, at pang-unawa na tunay na nagpapakita ng pangangalaga na mayroon ang mga tagapagturo.

Ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ay may kakayahang umangkop sa paghahanap ng mga paraang makipag-ugnayan sa mga pamilya.

Ripped From the Page Evelyn Burnett Twelfth Grade - San Diego High

14 / Ako ang Vision para sa 2030

Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online