Nauunawaan ng mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ang magkakaibang mga pangangailangan ng mga estudyante at nagtatatag ng ligtas at umaangkop na mga lugar sa pag-aaral na maaaring tumanggap ng mga indibidwal na pagkakaiba, kakayahan, at istilo ng pag-aaral upang madama ng bawat estudyante na sila’y pinahahalagahan, pinapakinggan, at tinatanggap. Gumagamit sila ng mga inklusibong kasanayan na bumubuo ng mga koneksyon sa mga estudyante upang madagdagan ang access, oportunidad, kumpiyansa, at kumakatawang mag-aaral. Ang kanilang mahusay na kasanayan sa pagtuturo at kaalamang sinusuportahan sila ng mga estudyante sa isang pamamaraang nakabatay sa mga lakas/kakayahan. Pinag-iiba nila ang pagtuturo batay sa mga pangangailangan ng estudyante habang nagbibigay sila ng mga oportunidad para sa LAHAT ng estudyante, kabilang ang mga multilingual na mag-aaral at mga mag-aaral na may kapansanan, na matuto at bumuo ng mga kasanayan. Tahasan nilang ginagawang modelo ang mga estratehiya at nagbibigay ng mga makabuluhang oportunidad para sa pagsasanay at pagsasagawa habang ginagawa nilang may kaugnayan ang pag-aaral sa buhay ng mga estudyante. Ang Dekalidad na Mga Kasanayan sa Pagtuturo ( Quality Teaching Practices ) ay makikita sa kanilang nakatuon sa mag-aaral na naaangkop na pagtuturo na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, tinitiyak ang pantay na mga kalalabasan para sa lahat. Gumagamit ang mga tagapagturo ng iba’t ibang anekdotal, para sa obserbasyon, at akademikong data bilang mga tool para sa tuloy-tuloy at nakaplanong pagtatasa ( formative assessment ). Ang mga tagapagturo ay may malakas na kaalaman sa nilalaman, na nagbibigay daan sa kanilang magplano at magtakda ng malinaw na mga inaasahan para sa lahat. Alam nila ang mga pamantayan at mga eksperto sa mga paksa na may malinaw na mga inaasahan para sa mga resulta ng mag-aaral. Patuloy na gumagawa ang mga tagapagturo ng masaganang karanasan sa pag-aaral na nagdudulot ng pagkamausisa at binbigyan ng kakayahan ang mga estudyante na malikhaing lutasin ang problema, makipagtulungan, at lumahok sa mga oportunidad sa pag-aaral sa tunay na mundo na may malinaw na inaasahan para sa pag-aaral at pakikipag-ugnayan. Nagbibigay sila ng mga oportunidad para sa mga estudyante na tumindin sa iba’t ibang pananaw, ipahayag ang kanilang mga opinyon, at alamin ang mga baga-bagay habang nagsusumikap silang makamit ang matataas na pamantayang tangan ng mga guro. Ang mga tagapagturo ay nagdidisenyo ng mga aralin kung saan nangunguna ang mga estudyante sa pagbuo ng ahensya o kumakatawang estudyante. Pinahahalagahan ng mga tagapagturo ang mga pagkakamali bilang mga pagkakataon sa pag-aaral at may pagmamalasakit na pinagpayaman ang ideya na ang paggawa ng mga pagkakamali ay bahagi ng proseso ng pag-aaral. 15 / Ako ang Vision para sa 2030 Ang mga tagapagturo ay may malakas na kaalaman sa nilalaman, na nagbibigay daan sa kanilang magplano at magtakda ng malinaw na mga inaasahan para sa lahat. Mga Marunong at Mahusay na Nagtuturo
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online