Lumilikha ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ng sikolohikal at emosyonal na mga ligtas na lugar upang talakayin ang mahirap ngunit may kaugnayan mga paksa, gaya ng rasismo at pang-aapi, na gusto at kailangang talakayin ng mga estudyante. Ginagawa nilang modelo ang mga kasanayan sa adbokasiya at buong tapang na hinaharap ang mga panganib kapag naninindigan para sa mga grupong itinuring na pinakamababang antas sa lipunan ( historically marginalized groups ). Bukas ang kanilang pag-iisip, mapanimdim, at alam ang kanilang sariling likas na pagkiling at maling hakbang sila ay nakikipag-alyansa sa mga estudyante, pamilya, at iba pang kawani. Ang mga tagapagturo ay kritikal na may kamalayan at hinihikayat nila ang pagtatanong, kritikal na pag-iisip, at pagkilos dahil pinapalakas ng mga ito ang boses ng estudyante at binibigyan ng kakayahan ang mga mag-aaral. Nauunawaan ng mga tagapagturo ang mga nasa sistema ng rasismo at handang manindigan at maging kinatawan para sa pagbabago. Sila ay mga tagapagturong kontra sa pagkiling at kontra sa rasismo at nananatiling mausisa at matanong upang mas mahusay na suportahan at i-validate ang mga estudyante at pamilya sa kanilang mga inklusibong kapaligiran sa silid-aralan kung saan pinahahalagahan ang pagkakakilanlan, at ang mga iba’t ibang background at karanasan ay itinuturing bilang mga kalakasan. Ang mga tagapagturo ay may kakayahang maunawaan at igalang ang paniniwala at kultura ng iba ( culturally competent ) at nagbibigay ng pagtuturo at hinihikayat ang talakayan tungkol sa magkakaibang pangdaigdigang mga pananaw, na tumutulong sa mga estudyante na pahalagahan at maunawaan ang iba’t ibang kultura at ang kahalagahan ng pagsusumikap para sa katarungan. Tinitiyak nila na ang mga karanasan sa pag-aaral ay may kaugnayan sa buhay ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa maraming aspeto ng pagkakakilanlan, kabilang ang kasarian, pamilya, karanasan, at kultura. Nagbibigay sila ng mga oportunidad para sa mga mag-aaral na tuklasin ang mga kawalang-katarungan at magdisenyo ng mga solusyon habang itinuturo ang mga pamantayan at nilalaman sa mga makabuluhang paraan. Gumagamit ang mga tagapagturo ng mga interactive na mga araling nakatuon sa paglutas ng problema na nagpapataas ng boses ng estudyante at pamumuno ng estudyante habang binibigyang-linaw ang mga kasalukuyang kaganapan at konteksto ng komunidad at nagpapakita ng tiwala sa sariling kakayahan bilang mga tagapagtaguyod para sa pagbabago, binibigyan ng kakayahan ang mga estudyante na gawin din ito. Bukas ang pag-iisip ng mga tagapagturo at pinahahalagahan ang iba’t ibang kaisipan, opinyon, at ideya. Nagbibigay ang mga tagapagturo ng patuloy na may kaugnayang pagtuturo na nagtuturo sa mga mag-aaral sa mga nakaraan at kasalukuyang isyu at mga implikasyon sa hinaharap dahil nakakatulong ang mga ito mabuo ng mga estudyante ang mga kasanayan sa paglutas ng problema na kailangan upang maging mga kumakatawan sa pagbabago. Binibigyan nila ang mga estudyante ng mga oportunidad sa pag-aaral na nakabatay sa solusyon upang kumonekta sa komunidad, tumutulong sa kanilang bumuo ng mga interpersonal na kasanayan at pagiging responsible para sa kanilang komunidad. Nagsasama ang mga tagapagturo ng impormasyon tungkol sa mga oportunidad sa karera at binibigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pamumuno upang magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante gumawa ng pagbabago sa kanilang paaralan, komunidad, at sa isang pandaigdigang antas. Mga Tagapagtaguyod na May Kakayahang Maunawaan at Igalang ang Paniniwala at Kultura ng Iba
17 / Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online