Patuloy na Natututong mga Mag-aaral na May Lubos na Kaalaman
Ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ay mga mapanimding patuloy na natututong mag-aaral na nananatiling mausisa at natututo mula sa bukas na pag-uusap sa mga kasamahan mula sa kanilang paaralan at iba pang paaralan, pati na rin sa mga estudyante, pamilya, at mga miyembro ng komunidad. Madaling umangkop ang mga tagapagturo at nananatiling may lubos na kaalaman tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan at pandaigdigang isyu upang maiugnay nila ang mga ideyang ito sa kurikulum at sa buhay ng mga estudyante sa isang lokal na antas. Patuloy nilang pinapaunlad ang kanilang kaalaman ng parehong nilalaman at kasanayan sa pagtuturo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga propersyonal at pakikilahok sa patuloy na pagsulong at pag-unlad ng propesyon. Nananatili silang napapanahon sa teknolohiya at mga platform sa kabuuan ng kanilang mga karera. Bukas ang isipan ng mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego at kumikilos nang may integridad at pagiging propesyonal. Nagsisilbi silang mga modelo para sa kanilang mga estudyante pagdating sa pagharap sa mga bago, hindi pamilyar, at iba’t ibang ideya at kapag gumagawa ng sarili nilang digital footprint at gumagamit ng bagong teknolohiya. Pinahahalagahan nila ang magkakaibang pananaw at nagagawang makipag-ugnayan at kumonekta sa isang malawak na hanay ng mga tao. Tinitingnan nila ang mga isyu mula sa iba’t ibang anggulo at iginagalang ang mga magkasalungat na pananaw. Nakikinig sila at nagtatanong upang bumuo ng pang-unawa, hinihikayat ang talakayan sa kanilang mga estudyante, at hinahamon pa ang mga dati nang ideya.
Reaching for the Stars Ava Gatewood Tenth Grade Clairemont High
Life Drawing Zoe Ozereko Eleventh Grade Lincoln High
18 / Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online