Ang Aming
Kwento
Ang Vision para sa 2030 ay isang pananaw na nauugnay sa mga kasalukuyang pangangailangan ng ating komunidad .
Sa pagtatapos ng Vision 2020, alam namin na panahon na para muling tasahin ang isang pananaw para sa bagong dekada. Noong 2019, sinimulan namin ang isang proseso ng nakipag-ugnayan sa ating komunidad upang mangalap ng input para sa Vision 2030. Ang Vision para sa 2030 ay isang pananaw na nauugnay sa mga kasalukuyang pangangailangan ng ating komunidad – binuo at tinukoy ng ating mga ka-partner sa edukasyon. Nang sinimulan namin ang prosesong ito, pakikipag-ugnayan na naantala ng pandemya, at ngayon ay muling alam naming nais namin na ang mga estudyante ang nasa sentro kaya ang gawaing ito ay dapat na pangunahan ng estudyante at gusto namin ng isang grupo ng aplikante na sumasalamin sa demograpiko ng bawat site at ng distrito sa kabuuan. Ang
aming mga paunang pagsisikap sa outreach ay humantong sa equity gaps, kaya muli naming inisip ang aming buong diskarte sa pag-recruit ng kinatawan ng mga estudyanteng intern ng ating distrito. Binago namin ang disenyo ng aming flier upang maging mas nakakaengganyo sa paningin ng aming mga estudyante. Nanawagan kami sa mga tagapangasiwa ng site at mga tagapayo ng paaralan upang direktang makipag-ugnayan sa mga estudyante. Pinalawig namin ang aming outreach at binisita ang 7 mataas na paaralan na kulang ang kumakatawan ( under-represented high schools ) sa panahon ng tanghalian at direktang nakipag-usap sa mga estudyante (na dati ay hindi alam ang oportunidad). Ang resulta ng mga sinadyang pagsisikap na iyon ay isang malaking grupo ng aplikante na kinabibilangan ng 500 estudyante at kinatawan ng aming lubos na magkakaibang pangkat ng estudyante.
Hand-Drawing Samantha Gonzalez Twelfth Grade - Crawford High
Wondrous World Laura Low Seventh Grade - Muirlands Middle
1 / Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online