Not a stick, I’m a pencil Roy Ronoh Transitional Kindergarten - Zamorano Fine Arts Academy
Ang Team ng Vision para sa 2030 (mga estudyanteng intern at namumunong facilitator) ay nagsimulang magtrabaho sa pamamagitan ng pag-aaral ng data na nakolekta na noong 2019-20 noong una naming sinimulan ang pagsasaalang-alang ng paglikha ng Vision para sa 2030, pati na rin ang mga resulta ng survey mula sa proseso ng paghahanap ng superintendente na pinangunahan ng Pambansang Sentro para sa Pagsusuri ng Edukasyon ( National Center for Education Evaluation ). Pagkatapos ng ilang buwan ng pagtuklas, pag-aaral, at pagpaplano, pinangunahan ng ating mga estudyanteng intern ang mga sesyon para sa input ng komunidad, mga workshop, at mga sesyon para sa feedback mula Hunyo, 2022 hanggang Abril, 2023 upang mangalap ng input mula sa mga estudyante, kawani, miyembro ng pamilya, at komunidad. Ang mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan sa komunidad ng estudyanteng intern ay nagresulta sa 22 mga sesyon para sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at kasama sa pananaw ang input mula sa mahigit 2,000 estudyante, pamilya, certificated staff, classified staff, kawani ng site, kawani ng sentrong opisina, grupo ng nagbibigay payo, at mga miyembro ng komunidad. Nang makalap ang isang matatag na set ng data, binuo ang Profile ng Mag-aaral ( Learner Profile ), Profile ng Tagapagturo ( Educator Profile ), at Profile ng Sistema ( System Profile ) na mga katangian mula sa attribute data na nakolekta mula sa mga sesyon para sa input at mga survey. Isiniwalat ng input mula sa komunidad, kabilang ang kawani ng distrito, mga estudyante, at pamilya na kumakatawan sa
Isiniwalat ng input mula sa komunidad , kabilang ang kawani ng distrito, mga estudyante, at pamilya na kumakatawan sa lahat ng cluster ang mga katangian na pinakamahalaga sa ating komunidad. lahat ng cluster ang mga katangian na pinakamahalaga sa ating komunidad. Pagkatapos pag-aralan ang data, nagsagawa ng anim na workshop ang mga estudyanteng intern upang himukin makibahagi ang komunidad sa sama-samang pagbuo ng kahulugan at kaugnayan sa paligid ng data habang tinutukoy nila ang Mga Profile ng Mag-aaral, Tagapagturo, at Sistema para sa Vision. Kasunod ng mga workshop, ang Team ng Vision para sa 2030, kasama ang mga nangungunang tagapayong guro, ay inaral ang input at bumuo ng mga kahulugan para sa bawat katangian ng profile mula sa data ng workshop. Pagkatapos ay ibinalik ng team ang mga kahulugan sa komunidad para sa feedback upang matiyak na tumpak naming nakuha ang input ng komunidad. Pagkatapos ay gumawa ng mga pagbabago/pagsasaayos ang Team ng Vision para sa 2030 ayon sa feedback ng komunidad at binuo ang “ I Am Vision for 2030 ”.
2 / Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online