Ang aming layunin para sa Vision para sa 2030 ay lumikha ng bilog na may parehong sentro na may tatlong layer bilang bahagi ng isang pangkalahatang pananaw na ipapatupad sa Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego, pagsapit ng 2030. Ang pananaw na ito ay ang aming sama-samang responsibilidad at may kasamang mga profile na nagdedetalye ng kung ano ang nais namin, bilang isang buong komunidad, para sa lahat ng estudyante. Kung ang profile ng mag-aaral ang nagsisilbing aming mga adhikain upang ang sentro ng aming lahat ng ginagawa ay para sa mga estudyante, kinikilala namin na ang mga tagapagturo at aming sistema sa kabuuan ay kailangang isaalang-alang at isama. Ang Profile ng Mag-aaral ay nasa sentro ng aming pagsisikap at magbibigay ng estratehikong direksyon para sa disensyo ng pangkalahatang pang-edukasyong karanasan para sa mga estudyante. Ang Profile ng Mag-aaral ay isang koleksyon ng mga katangian na nais naming paunlarin ng mga estudyante at ang commitment na ginagawa namin sa aming mga estudyante at pamilya. Ito ang humihimok sa bawat pagkilos ng nasa hustong gulang at sa bawat pagbabago ng sistema. Hindi makakamit ang Profile ng Mag-aaral nang walang tagapagturo na direktang sumusuporta sa ating mga nag-aaral sa pamamagitan ng kusa at sinadyang pagmomodelo, pagtuturo, at paggawa ng mga kundisyong kailangan ng mga estudyante upang magtagumpay. Tinutukoy ng Profile ng Tagapagturo ang mga katangiang pinahahalagahan namin sa aming mga tagapagturo at pinagsasama ang aming sistema sa mga kasanayang nakasentro sa mag-aaral. Pinangangasiwaan ng Profile ng Sistema kung ano ang kailangang mangyari sa loob ng aming sistema upang gumawa ng mga kundisyon upang maisakatuparan ang mga Prodile ng Mag-aaral at Tagapagturo. Ipinapakita ng Profile ng Sistema ang mga prayoridad ng aming organisasyon at kung paano kami nagpapatakbo. Nalalapat ito sa buong organisasyon at lumilikha ng mga kundisyon na sumusuporta at naghihikayat sa mga nasa hustong gulang na imodelo ang Profile ng Tagapagturo at makamit ng mga estudyante ang Profile ng Mag-aaral.
Ang mga sumusunod na pagpapahalaga ay nagmula sa input ng ating komunidad. Sa paglilingkod ng pagkakabilang ( belonging ) at pag-unlad ( thriving ), ang mga ito ay nananatiling nauugnay sa aming Vision para sa 2030:
Sikolohikal, Emosyonal, Pisikal na Ligtas na Kapaligiran
Pagkakaiba-iba, Pagkakapantay-p antay, at Pagsasama Kamalayan sa Sariling Paniniwala at Pagpapahalaga sa Kultura
Ahensya at Boses ng Estudyante
Tiwala at Transparency
Paggawa ng Desisyong Nakasentro sa Mag-aaral
Mga Kasanayan at Pagpapagaling sa Panunumbalik na Hustisya
Pagtutulungan at Pagkakaisa
6 /Ako ang Vision para sa 2030
Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online