Tagalog - I Am Vision for 2030

Mga dedikasyon

Ang pananaw at mga profile na ito ay gawa ng bawat estudyante, magulang, kawani, at miyembro ng komunidad na lumahok sa isang sesyon para sa input, nakakumpleto ng survey, dumalo ng workshop, nagbigay ng feedback, nagsumite ng likhang sining, o nagmungkahi ng pamagat. Ito ay tunay na gawain at pananaw ng ating buong komunidad ng Pinag-isang San Diego at nagpapasalamat kami sa lahat na naging bahagi nito! Sama-sama, tayo ang Vision para sa 2030.

Ang aking trabaho ay nakatuon sa lahat ng mga mag-aaral na may mga IEP. Kami ay nasa ilalimkinakatawan, ngunit karapat-dapat na kumuha ng puwang sa mga posisyon ng pamumuno.

Gabriella

Sa buong proyektong ito, nakakuha ako ng mga pagkakataong makipagtulungan nang malapit sa mga taong nagbigay-daan sa akin na bumuo ng kaalaman at magtaguyod para sa isang mas magandang distrito ng paaralan. Ako ay walang hanggan na nagpapasalamat sa mga karanasang iyon at nais kong ialay ang aklat na ito sa kasalukuyan at sa hinaharap na mga mag-aaral na gustong lumikha ng pagbabago para sa kanilang mga komunidad.

Ava

Emilia

Para sa mga mag-aaral at guro ng Mission Bay High School.

Anya Ito ay para sa lahat ng mga mag-aaral na karapat-dapat sa pinakamahusay na edukasyon na posible. Sa iyong mga talento, tiyaga, at kaalaman, patuloy mong bubuuin ang komunidad na ito upang maging mas mahusay.

Angelica Ito ay para sa aking Chicano community, lalo na sa mga nag-iisa sa sistema ng edukasyon. Itaas mo ang iyong ulo, nakuha mo ito!

Para sa mga gustong makakita ng pagbabago at gumawa ng pagbabago sa aming suporta. Umaasa ako na makakatulong ito na gawing mas magandang lugar ang ating distrito para magturo, matuto, at magbahagi ng mga bagong ideya.

Scarlet

Talaan ng mga

Nilalaman

07 13 19 29

01 03 05

Profile ng Mag-aaral Profile ng Tagapagturo

Ang Aming Kwento

Koponan ng Estudyanteng Intern ng Core

Profile ng Sistema

Mga Elemento ng Vision para sa 2030

Mga Pagkilala/ Pagtanggap

Ang Aming

Kwento

Ang Vision para sa 2030 ay isang pananaw na nauugnay sa mga kasalukuyang pangangailangan ng ating komunidad .

Sa pagtatapos ng Vision 2020, alam namin na panahon na para muling tasahin ang isang pananaw para sa bagong dekada. Noong 2019, sinimulan namin ang isang proseso ng nakipag-ugnayan sa ating komunidad upang mangalap ng input para sa Vision 2030. Ang Vision para sa 2030 ay isang pananaw na nauugnay sa mga kasalukuyang pangangailangan ng ating komunidad – binuo at tinukoy ng ating mga ka-partner sa edukasyon. Nang sinimulan namin ang prosesong ito, pakikipag-ugnayan na naantala ng pandemya, at ngayon ay muling alam naming nais namin na ang mga estudyante ang nasa sentro kaya ang gawaing ito ay dapat na pangunahan ng estudyante at gusto namin ng isang grupo ng aplikante na sumasalamin sa demograpiko ng bawat site at ng distrito sa kabuuan. Ang

aming mga paunang pagsisikap sa outreach ay humantong sa equity gaps, kaya muli naming inisip ang aming buong diskarte sa pag-recruit ng kinatawan ng mga estudyanteng intern ng ating distrito. Binago namin ang disenyo ng aming flier upang maging mas nakakaengganyo sa paningin ng aming mga estudyante. Nanawagan kami sa mga tagapangasiwa ng site at mga tagapayo ng paaralan upang direktang makipag-ugnayan sa mga estudyante. Pinalawig namin ang aming outreach at binisita ang 7 mataas na paaralan na kulang ang kumakatawan ( under-represented high schools ) sa panahon ng tanghalian at direktang nakipag-usap sa mga estudyante (na dati ay hindi alam ang oportunidad). Ang resulta ng mga sinadyang pagsisikap na iyon ay isang malaking grupo ng aplikante na kinabibilangan ng 500 estudyante at kinatawan ng aming lubos na magkakaibang pangkat ng estudyante.

Hand-Drawing Samantha Gonzalez Twelfth Grade - Crawford High

Wondrous World Laura Low Seventh Grade - Muirlands Middle

1 / Ako ang Vision para sa 2030

Not a stick, I’m a pencil Roy Ronoh Transitional Kindergarten - Zamorano Fine Arts Academy

Ang Team ng Vision para sa 2030 (mga estudyanteng intern at namumunong facilitator) ay nagsimulang magtrabaho sa pamamagitan ng pag-aaral ng data na nakolekta na noong 2019-20 noong una naming sinimulan ang pagsasaalang-alang ng paglikha ng Vision para sa 2030, pati na rin ang mga resulta ng survey mula sa proseso ng paghahanap ng superintendente na pinangunahan ng Pambansang Sentro para sa Pagsusuri ng Edukasyon ( National Center for Education Evaluation ). Pagkatapos ng ilang buwan ng pagtuklas, pag-aaral, at pagpaplano, pinangunahan ng ating mga estudyanteng intern ang mga sesyon para sa input ng komunidad, mga workshop, at mga sesyon para sa feedback mula Hunyo, 2022 hanggang Abril, 2023 upang mangalap ng input mula sa mga estudyante, kawani, miyembro ng pamilya, at komunidad. Ang mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan sa komunidad ng estudyanteng intern ay nagresulta sa 22 mga sesyon para sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at kasama sa pananaw ang input mula sa mahigit 2,000 estudyante, pamilya, certificated staff, classified staff, kawani ng site, kawani ng sentrong opisina, grupo ng nagbibigay payo, at mga miyembro ng komunidad. Nang makalap ang isang matatag na set ng data, binuo ang Profile ng Mag-aaral ( Learner Profile ), Profile ng Tagapagturo ( Educator Profile ), at Profile ng Sistema ( System Profile ) na mga katangian mula sa attribute data na nakolekta mula sa mga sesyon para sa input at mga survey. Isiniwalat ng input mula sa komunidad, kabilang ang kawani ng distrito, mga estudyante, at pamilya na kumakatawan sa

Isiniwalat ng input mula sa komunidad , kabilang ang kawani ng distrito, mga estudyante, at pamilya na kumakatawan sa lahat ng cluster ang mga katangian na pinakamahalaga sa ating komunidad. lahat ng cluster ang mga katangian na pinakamahalaga sa ating komunidad. Pagkatapos pag-aralan ang data, nagsagawa ng anim na workshop ang mga estudyanteng intern upang himukin makibahagi ang komunidad sa sama-samang pagbuo ng kahulugan at kaugnayan sa paligid ng data habang tinutukoy nila ang Mga Profile ng Mag-aaral, Tagapagturo, at Sistema para sa Vision. Kasunod ng mga workshop, ang Team ng Vision para sa 2030, kasama ang mga nangungunang tagapayong guro, ay inaral ang input at bumuo ng mga kahulugan para sa bawat katangian ng profile mula sa data ng workshop. Pagkatapos ay ibinalik ng team ang mga kahulugan sa komunidad para sa feedback upang matiyak na tumpak naming nakuha ang input ng komunidad. Pagkatapos ay gumawa ng mga pagbabago/pagsasaayos ang Team ng Vision para sa 2030 ayon sa feedback ng komunidad at binuo ang “ I Am Vision for 2030 ”.

2 / Ako ang Vision para sa 2030

Dahil sa pagtatapos at iba pang pangangailangan, nagbago ang grupo ng intern sa paglipas ng panahon at naging core team ng 8 estudyanteng intern, na nagsimula sa proyekta at nagpatuloy hanggang Tagsibol 2023. Agn grupong ito ng mga estudyante sa mataas na paaralan ay nakibahagi sa pagdidisenyo kung paano mangolekta ng input ng komunidad, pangangasiwa ng mga sesyon para sa input, pag-aaral ng data, pagsusulat ng mga profile, at pagsasagawa ng mga workshop. Sila ang mga kabataang lider na gumabay sa gawaing ito sa bawat hakbang ng buong proseso. Intern ng Core Koponan ng Estudyanteng Sila ang mga kabataang lider na gumabay sa gawaing ito sa bawat hakbang ng buong proseso.

3 / Ako ang Vision para sa 2030

What’s In Your Head Keira Kim Eighth Grade - Marshall Middle

Untitled Benjamin Second Grade - Kimbrough Elementary

Ang internship na ito, sa akin, ay naging isang responsibilidad sa aking buhay na makita kung ano ang maaaring gawin sa system at sa ibang lugar upang lumikha ng isang mas mahusay na karanasan sa paaralan. Gabriella, San Diego High School, Klase ng 2023 Ang Vision para sa 2030 ay nagbigay-daan sa amin na mapabuti ang distrito mula sa loob, mula sa mga mag-aaral hanggang sa mga magulang hanggang sa mga guro hanggang sa mga pinuno ng distrito. Hindi ako makapaghintay upang makita kung paano ito magpapatuloy. Angelica, Morse High School, Klase ng 2023

4 / Ako ang Vision para sa 2030

Mga Elemento ng Vision para sa 2030

Mag-aaral ay nasa sentro ng aming pagsisikap.

5 / Ako ang Vision para sa 2030

Ang aming layunin para sa Vision para sa 2030 ay lumikha ng bilog na may parehong sentro na may tatlong layer bilang bahagi ng isang pangkalahatang pananaw na ipapatupad sa Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego, pagsapit ng 2030. Ang pananaw na ito ay ang aming sama-samang responsibilidad at may kasamang mga profile na nagdedetalye ng kung ano ang nais namin, bilang isang buong komunidad, para sa lahat ng estudyante. Kung ang profile ng mag-aaral ang nagsisilbing aming mga adhikain upang ang sentro ng aming lahat ng ginagawa ay para sa mga estudyante, kinikilala namin na ang mga tagapagturo at aming sistema sa kabuuan ay kailangang isaalang-alang at isama. Ang Profile ng Mag-aaral ay nasa sentro ng aming pagsisikap at magbibigay ng estratehikong direksyon para sa disensyo ng pangkalahatang pang-edukasyong karanasan para sa mga estudyante. Ang Profile ng Mag-aaral ay isang koleksyon ng mga katangian na nais naming paunlarin ng mga estudyante at ang commitment na ginagawa namin sa aming mga estudyante at pamilya. Ito ang humihimok sa bawat pagkilos ng nasa hustong gulang at sa bawat pagbabago ng sistema. Hindi makakamit ang Profile ng Mag-aaral nang walang tagapagturo na direktang sumusuporta sa ating mga nag-aaral sa pamamagitan ng kusa at sinadyang pagmomodelo, pagtuturo, at paggawa ng mga kundisyong kailangan ng mga estudyante upang magtagumpay. Tinutukoy ng Profile ng Tagapagturo ang mga katangiang pinahahalagahan namin sa aming mga tagapagturo at pinagsasama ang aming sistema sa mga kasanayang nakasentro sa mag-aaral. Pinangangasiwaan ng Profile ng Sistema kung ano ang kailangang mangyari sa loob ng aming sistema upang gumawa ng mga kundisyon upang maisakatuparan ang mga Prodile ng Mag-aaral at Tagapagturo. Ipinapakita ng Profile ng Sistema ang mga prayoridad ng aming organisasyon at kung paano kami nagpapatakbo. Nalalapat ito sa buong organisasyon at lumilikha ng mga kundisyon na sumusuporta at naghihikayat sa mga nasa hustong gulang na imodelo ang Profile ng Tagapagturo at makamit ng mga estudyante ang Profile ng Mag-aaral.

Ang mga sumusunod na pagpapahalaga ay nagmula sa input ng ating komunidad. Sa paglilingkod ng pagkakabilang ( belonging ) at pag-unlad ( thriving ), ang mga ito ay nananatiling nauugnay sa aming Vision para sa 2030:

Sikolohikal, Emosyonal, Pisikal na Ligtas na Kapaligiran

Pagkakaiba-iba, Pagkakapantay-p antay, at Pagsasama Kamalayan sa Sariling Paniniwala at Pagpapahalaga sa Kultura

Ahensya at Boses ng Estudyante

Tiwala at Transparency

Paggawa ng Desisyong Nakasentro sa Mag-aaral

Mga Kasanayan at Pagpapagaling sa Panunumbalik na Hustisya

Pagtutulungan at Pagkakaisa

6 /Ako ang Vision para sa 2030

Profile ng Mag-aaral

Mga Nakikipag-ugnayang Nagtutulungang

Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay nakikipag-ugnayan nang naaangkop sa maraming paraan para sa iba’t ibang sitwasyon at manonood. Sinasadya nilang magsulat, magsalita, at makinig sa magkakaibang paraan na nagpapatibay ng koneksyon sa pagitan ng mga tao, kabilang ang mga may kapansanan o mga multilingual, gayundin ang mga may magkakaibang istilo ng pag-aaral at pakikipag-ugnayan. Gumagamit ang mga estudyante ng epektibong pakikipag-ugnayan upang suportahan ang mga de-kalidad na ugnayan at bumuo ng tiwala at pakiramdam ng kaligtasan. Ang mga estudyante ay mga katuwang na nakatuon sa solusyon na malayang ipinapahayag ang kanilang mga ideya. Pinahahalagahan nila ang pagtatrabaho nang team at gumagamit ng mga interpersonal na kasanayan habang sila’y nakikipagsapalaran, nakikipag-ugnayan sa iba, at bumubuo sa mga iniisip ng iba. Pinalalawak ng mga estudyante ang kanilang mga pang-unawa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagong pananaw at pakikinig sa mga kuwento ng iba. Nakikipag-ugnayan sila sa iba gamit ang higit sa isang wika at nagagawa nilang i-navigate ang mga sitwasyong pakikisalamuha nang may kakayahang umangkop at kabaitan. Ang mga estudyante ay nakikipagtulungan at nakikipag-ugnayan sa lokal, sa bansa, at sa ibang bansa. Nagpapakita sila ng kakayang umangkop ng pag-iisip ( cognitive flexibility ) sa pamamagitan ng aktibong pakikinig sa iba at pagkilala sa iba’t ibang pananaw at karanasan. Tinatanggap at pinahahalagahan nila ang pagkakaiba-iba at maraming pananaw sa mga ibinahaging espasyo sa pamamagitan ng paggalang sa iba’t ibang kultural na pagkakakilanlan na nagbibigay daan sa isang bukas at pantay na daloy ng mga ideya. Nauunawaan ng mga estudyante na ang pagkakaiba-iba ng pag-iisip, pagkakakilanlan, at karanasan ay isang kalamangan, at hindi namin palaging kailangang sumang-ayon na pagyamanin ang matatag na pagtutulungan at komunidad. Alam nila kung paano hindi sumang-ayon sa iba habang natututo sila at nakikipagtulungan sa iba.

Gumagamit ang mga estudyante ng epektibong pakikipag-ugnayan upang suportahan ang mga de-kalidad na ugnayan at bumuo ng tiwala at pakiramdam ng kaligtasan .

8 / Ako ang Vision para sa 2030

Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay proactive at mga matiyagang innovator sa harap ng anumang hamon. Madali silang umangkop at may kumpiyansa sa pagharap ng mga bagong problema habang nakikilahok sila sa mga kontekstong mahalaga sa kanila. Nauunawaan nila at nalulutas ang mga problema at natutugunan ang mga kumplikadong problema sa bago at malikhaing mga paraan batay sa kanilang mga kakayahan, kabilang ang mga kakayahan bilang mga multilingual o neurodiverse na mag-aaral. Ang mga estudyante ay may kumpiyansa at determinasyon na harapin ang mga panganib at makabangon mula sa kabiguan habang sila ay nagtututo at umuunlad, alam na sila ay matututo sa pagsubok at ang kabiguan ay isang pagkakataong matuto. Bukas ang isip ng mga estudyante at gumagamit ng kakayahang maunawaan at igalang ang kultura ( cultural competence ) upang gumawa ng mga makabagong solusyon para sa mga pandaigdigang isyu upang makatulong at makinabang sa iba. Nakikinig sila sa feedback at aktibong nag-aambang sa mga solusyon. Bukas sila sa mga bagong ideya at magkakaibang pananaw habang umaangkop sila sa mga bagong sitwasyon. Bukas sila sa mga pagbabago at ideya ng iba, habang naghahangad silang gumawa ng mga pagpapabuti. Isinasama ng mga estudyante ang mga panlabas na mapagkukunan at lhikal kapag nag-aaral ng data upang suportahan ang mga solusyon sa mga problema. Mga Gumagawa ng Maka- bagong Ideya o Paraan sa Paglutas ng Problema

Sting My Heart D’arcy Denessen Tenth Grade San Diego High

Orgullo Viviann Coronado Twelfth Grade San Diego High

9 / Ako ang Vision para sa 2030

Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay patuloy na nagpapakita ng kakayahang maunawaan, gamitin, at pamahalaan ang sariling emosyon at ng iba ( emotional intelligence ). Ang mga estudyante ay nakikibahagi sa pag-uusap tungkol sa kanilang kapakanan upang matiyak na nakukuha nila ang kanilang kailangan. Gumagamit at nagpapanatili sila ng mga tool at kasanayan upang mapagnilayan nila ang kalusugan ng kanilang pag-iisip at damdamin at itaguyod ang kanilang kailangan, at bukas sila sa pagtanggap ng tulong upang matugunan ang hindi pagkakasundo at maiwasan ang paglala. Sila ay may kumpiyansa, gumagamit ng positibong pakikipag-usap sa sarili, at tumutugon sa stress sa malusog at produktibong mga paraan. Ang lahat ng estudyante, kabilang ang mga multilingual na mag-aaral at mga estudyanteng may mga espesyal na pangangailangan, ay may mataas na pagpapahalaga sa sarili sa loob at labas ng silid-aralan, tumayo para sa kanilang mga sarili, magtanong, at kontrolin ang kanilang edukasyon at buhay. Ina-access nila ang mentorship at mga oportunidad ng suporta kung nahihirapan sa anumang kasanayan. Ang mga estudyante ay may kaisipan ng pag-unlad ( growth mindset ) at kakayahang tumugon sa isang nakababahala o hindi inaasahang sitwasyon ( emotional resilience ). Alam nila na ang mga pagkakamali ay mga hakbang at kusang magsigasig sa mga kahirapan. Pakiramdam nila ay ligtas silang matuto, dahil alam nilang sila ay nakikita at pinapakinggan at mahalaga ang kanilang boses. Ang epektibong mga kasanayang harapin at makayanan ay nagbibigay daan sa kanilang maging handang harapin ang stress at pagkabigo sa mga positibo, malusog na paraan. Inaako nila ang pananagutan sa kanilang mga pagkilos at salita at inuugali ang pagpapatawad ng kanilang mga sarili at ng iba. Ang mga estudyante ay may kasanayan sa pagkilala at paggalang sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iba at pagtugon sa mga pangangailangang iyon sa isang mapagmalasakit na paraan. Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang ugnayan ng tao at sila’y mababait, mapagmalasakit, at tumatanggap ng mga pananaw ng iba. Mahusay nilang nilalandas ang mga hamon sa lipunan at alam nila kung paano nakaapekto sa iba ang kanilang mga pagkilos habang alam nila na ang mga kilos ng iba ay nagpapakita ng nakaraang trauma at karanasan. Gamitin, at Pama- halaan ang Sariling Emosyon at ng Iba Mga Nag-iisip na May Kakayahang Maunawaan,

10 / Ako ang Vision para sa 2030

Mga Kinatawan ng Pagba- bago na May Kamalayan sa Lipunan

Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay malalakas ang loob at marurunong na mga miyembro ng lipunan na nagtataguyod para sa mga maliliit at malalaking pagbabago, sa lokal at pandaigdigan. Mayroon silang matatag na sariling pagkakakilanlan habang tinatanggap at pinahahalagahan rin ang iba na naiiba sa ating lokal at pandaigdigang komunidad. Nakikita ng mga estudyante ang kanilang sarili at kanilang mga kasama bulang mga lider na responsible sa kanilang sarili at sa iba. Nakiki-ugnay sila sa buong mundo gayundin sa kanilang lokal na komunidad sa diwa ng paggalang at pakikipagtulungan upang matugunan nila, makaangkop, at malutas ang mga kasalukuyang pangangailangan ng lipunan. Ipinapahayag ng mga estudyante ang alalahanin at pagmamalasakit patungo sa maraming isyu, kabilang ang mga isyu sa lipunan at kapaligiran. Ang mga estudyante ay may kamalayan sa kapaligiran at nagtataguyod para sa at nagsusumikap upang positibong makaapekto sa mga patakaran sa klima. Alam nila ang mga nangyayari, sa lokal gayundin sa ibang komunidad o iba’t ibang bansa, na humahantong sa hindi pagkakapantay-pantay pati na rin ang mga solusyon sa maraming alalahanin, mula sa access sa mga mapagkukunan hanggang mga kondisyon ng kalusugan. Nakikipag-ugnayan ang mga estudyante sa magkakaibang kultura at pananaw. Magaling sila sa pagkilala at paghinto ng rasismo at iba pang uri ng pang-aapi dahil mayroon silang malalim na pag-unawa sa iba na hindi magkatulad ang pagkakakilanlan, backgroun, kultura, o karanasan. Ang mga estudyante ay may kumpiyansa sa sarili, alam na mahalaga ang kanilang boses, at ginagamit ito upang labanan ang mga hindi pagkakapantay-pantay bilang isang mahalagang bahagi ng isang demograpikong lipunan. Aktibo silang humahanap ng tool upang maging mga kinatawan ng pagbabago at nakakapagbigay ng mga ugnayan sa mundo sa labas ng silid-aralan. Itinataguyod ay nakikibahagi sila sa pakikipag-alyansa para sa sarili at sa iba, lalo na sa mga dating pinagkaitan ng boses, at binibigyan nila ng kakayahan ang iba na marinig ang kanilang mga boses at maging kinatawan ng pagbabago.

Nakikita ng mga estudyante ang kanilang sarili at kanilang mga kasama bulang mga lider na responsible sa kanilang sarili at sa iba .

11 / Ako ang Vision para sa 2030

Mga Mamamayang May Mapanuring Pag-iisip na Epektibong Ginagamit ang Teknolohiya

Ang mga estudyante ng Pinag-isang San Diego ay mga mamamayang epektibong ginagamit ang teknolohiya na may kamalayan sa lipunan at sa sarili na nauunawaan na may mga pamantayan ng naaangkop at responsableng pag-uugali patungkol sa paggamit ng teknolohiya. Mahusay nilang ninanavigate ang maraming platform, kabilang ang social media, at epektibong ginagamit ang teknolohiya upang makumpleto at trabaho at pagsasaliksik, makipagtulungan o makipag-ugnayan sa iba, mangolekta at suriin ang mga ebidensya, at aralin at bigyang-kahulugan ang data. Ang mga estudyante ay may malakas na tiwala sa sariling kakayahan at pagkakakilanlan kapag ginamit nila ang social media at/o ang internet bilang mga lugar upang ipahayag ang kanilang mga sarili sa mga paraan na ligtas at malusog. Alam nilang mayroon silang responsibilidad sa paggamit ng teknolohiya sa mga paraan na bumubuo ng komunidad at pagtanggap, at nag-iingat sila at kinokontrol ang sarili bago mag-post ng kahit ano online. Nagpapakita sila ng integridad at kakayahang maunawaan ang sariling emosyon at ng iba kapag ninanavigate nila sa digital na paraan ang mga sitwasyong panlipunan at na tama at mabuti sa mga digital na pakikipag-ugnayan. Maingat na nagna-navigate ng online na impormasyon ang mga estudyante sa pamamagitan ng mahalagang pag-aaral at pagsusuri ng impormasyon upang matukoy ang integridad, bias, at kredibilidad ng impormasyon, pinagmulan, at may-akda. Nagagawa nilang matukoy ang maling impormasyon at sinadyang hindi totoong impormasyon at gawin ang kanilang parte upang makatulong na maiwasan ang pagkalat nito.

Gouache Fish Eye Lens Stella Campion Eleventh Grade - La Jolla High

Modern Media Naya Palumbo Eleventh Grade Mira Mesa High

12 / Ako ang Vision para sa 2030

Profile ng Tagapagturo

Mga Nakikipag-ugnayang Nakatuon sa Pagkakapantay-panta y

Ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ay may kakayahang umangkop sa paghahanap ng mga paraang makipag-ugnayan sa mga pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon gaya ng email, nang personal, telepono, o video call. Nakatuon sila sa pagbuo ng mga magalang na kaugnayan na may bukas na pakikipag-ugnayan sa mga estudyante, pamilya, at iba pang kawani at nakikipag-ugnayan sa mga paraan na nagpapatibay sa kanilang mga kaugnayan habang nakikilala nila ang mga taong kanilang pinaglilingkuran at ang kanilang mga pinagmulan. Nakatuon ang mga tagapagturo sa katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay at tinatanggap ang pagkakaiba-iba ng kultura sa pamamagitan ng pagsisikap na alisin ang mga hadlang na maaaring maranasan ng mga estudyante at pamilya sa mga sistema ng paaralan. Nauunawaan nila ang mga pangangailangan at nakikilala ang trauma at pang-isahang mga pangangailangan upang pinakamahusay na masuportahan ang mga pakikipag-partner sa mga pamilya. Maingat ang mga tagapagturo sa kanilang sariling pagkiling at maunawain sa mga paniniwala ng kanilang magkakaibang estudyante at pamilya, tinitignan na mabigyan sila ng kakayahan. Ang mga tagapagturo ay may kakayahang maunawaan at igalang ang kultura ng iba at hinaharap ang bawat pakikipag-ugnayan nang may pagkamausisa, kakayahang umangkop, pagmamalasakit, bukas na pag-iisp, at pang-unawa na tunay na nagpapakita ng pangangalaga na mayroon ang mga tagapagturo.

Ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ay may kakayahang umangkop sa paghahanap ng mga paraang makipag-ugnayan sa mga pamilya.

Ripped From the Page Evelyn Burnett Twelfth Grade - San Diego High

14 / Ako ang Vision para sa 2030

Nauunawaan ng mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ang magkakaibang mga pangangailangan ng mga estudyante at nagtatatag ng ligtas at umaangkop na mga lugar sa pag-aaral na maaaring tumanggap ng mga indibidwal na pagkakaiba, kakayahan, at istilo ng pag-aaral upang madama ng bawat estudyante na sila’y pinahahalagahan, pinapakinggan, at tinatanggap. Gumagamit sila ng mga inklusibong kasanayan na bumubuo ng mga koneksyon sa mga estudyante upang madagdagan ang access, oportunidad, kumpiyansa, at kumakatawang mag-aaral. Ang kanilang mahusay na kasanayan sa pagtuturo at kaalamang sinusuportahan sila ng mga estudyante sa isang pamamaraang nakabatay sa mga lakas/kakayahan. Pinag-iiba nila ang pagtuturo batay sa mga pangangailangan ng estudyante habang nagbibigay sila ng mga oportunidad para sa LAHAT ng estudyante, kabilang ang mga multilingual na mag-aaral at mga mag-aaral na may kapansanan, na matuto at bumuo ng mga kasanayan. Tahasan nilang ginagawang modelo ang mga estratehiya at nagbibigay ng mga makabuluhang oportunidad para sa pagsasanay at pagsasagawa habang ginagawa nilang may kaugnayan ang pag-aaral sa buhay ng mga estudyante. Ang Dekalidad na Mga Kasanayan sa Pagtuturo ( Quality Teaching Practices ) ay makikita sa kanilang nakatuon sa mag-aaral na naaangkop na pagtuturo na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, tinitiyak ang pantay na mga kalalabasan para sa lahat. Gumagamit ang mga tagapagturo ng iba’t ibang anekdotal, para sa obserbasyon, at akademikong data bilang mga tool para sa tuloy-tuloy at nakaplanong pagtatasa ( formative assessment ). Ang mga tagapagturo ay may malakas na kaalaman sa nilalaman, na nagbibigay daan sa kanilang magplano at magtakda ng malinaw na mga inaasahan para sa lahat. Alam nila ang mga pamantayan at mga eksperto sa mga paksa na may malinaw na mga inaasahan para sa mga resulta ng mag-aaral. Patuloy na gumagawa ang mga tagapagturo ng masaganang karanasan sa pag-aaral na nagdudulot ng pagkamausisa at binbigyan ng kakayahan ang mga estudyante na malikhaing lutasin ang problema, makipagtulungan, at lumahok sa mga oportunidad sa pag-aaral sa tunay na mundo na may malinaw na inaasahan para sa pag-aaral at pakikipag-ugnayan. Nagbibigay sila ng mga oportunidad para sa mga estudyante na tumindin sa iba’t ibang pananaw, ipahayag ang kanilang mga opinyon, at alamin ang mga baga-bagay habang nagsusumikap silang makamit ang matataas na pamantayang tangan ng mga guro. Ang mga tagapagturo ay nagdidisenyo ng mga aralin kung saan nangunguna ang mga estudyante sa pagbuo ng ahensya o kumakatawang estudyante. Pinahahalagahan ng mga tagapagturo ang mga pagkakamali bilang mga pagkakataon sa pag-aaral at may pagmamalasakit na pinagpayaman ang ideya na ang paggawa ng mga pagkakamali ay bahagi ng proseso ng pag-aaral. 15 / Ako ang Vision para sa 2030 Ang mga tagapagturo ay may malakas na kaalaman sa nilalaman, na nagbibigay daan sa kanilang magplano at magtakda ng malinaw na mga inaasahan para sa lahat. Mga Marunong at Mahusay na Nagtuturo

Inuuna ng mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ang mga damdamin at kalusugan ng pag-iisip ng mga estudyante. Lumilikha sila ng pagkakataon at lugar para sa boses ng estudyante at mga pangangailangang panlipunan, emosyonal, at pangkaisipan, at tumutugon sila nang may pagmamalasakit. Bumubuo ang mga tagapagturo ng mga lugar na nakatuon sa panunumbalik na pagpapagaling kung saan kumportable ang mga estudyante na humiling sa kanilang mga guro at sa isa’t isa ng suporta sa akademiko, pisikal, at emosyonal. May kamalayan ang mga tagapagturo sa kung paano nila imodelo ang kanilang sariling mga kakayahan sa pakikisalamuha (kabilang ang pagiging maalalahanin), ethic sa pagtatrabaho, at mga gawi sa pag-aaral. Lubos silang may kaalaman at inuuna ang kalusugan ng pag-iisip, pagbabahagi ng ng impormasyon at mga magpagkukunan habang handa ring harapin ang pambu-bully at iba pang mahihirap ni isyu. Umaangkop sila sa mga pangangailangang pangkaisipan at emosyonal ng mga estudyante at gumagawa ng may kamalayang pagsisikap upang mapabuti ang kapakanan ng mga estudyante. Matiyaga ang mga tagapagturo at tinitiyak na ang kanilang paggalaw ay kontrolado dahil nauunawaan nila ang epekto nito sa mga mag-aaral na magkakaibang kultura. Ginagamit ng mga tagapagturo ang Dekalidad na Pakikipag-ugnayan sa Pag-aaral ( Quality Learning Interactions ) upang pagyamanin ang matibay na mga kaugnayang guro at estudyante at alyansa sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-check in sa panlipunan, emosyonal na mga pagkakataon. Nag-aalok sila ng mga oportunidad upang umunlad ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng magkasamang pagbuo ng mga kasunduan at inaasahan sa silid-aralan. Nag-aalok ang mga tagapagturo ng mga oportunidad sa pag-aaral na nagbibigay kakayahan sa mga estudyanteng umunlad sa pagtataguyod sa sarili, at lumampas sa inaasahan sa mga pamantayan sa kanilang antas ng baitang. Ang mga tagapagturo ay mapagkakatiwalaang mga tagapakinig na matiyaga at magagaling na mga practitioner ng mga ginagawang pagpapanumbalik ng hustisya. Ang mga tagapagturo ay may kakayahang maunawaan ang emosyon ng sarili at ng iba (emotionally intelligent) at nakatuon sa layunin habang pinapanagot ang mga estudyante nang may pagmamahal, paggalang, at kabaitan habang ginagawa nilang modelo ang mga katangian ng mga profile ng mag-aaral at ano ang ibig sabihin ng panunumbalik ( restorative ). Mga Taong Madaling Umunawa ng Damdamin ng Iba na May Kakayahang Maunawaan, Gamitin at Pamahalaan ang Sri- ling Emosyon at ng Iba

16 / Ako ang Vision para sa 2030

Lumilikha ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ng sikolohikal at emosyonal na mga ligtas na lugar upang talakayin ang mahirap ngunit may kaugnayan mga paksa, gaya ng rasismo at pang-aapi, na gusto at kailangang talakayin ng mga estudyante. Ginagawa nilang modelo ang mga kasanayan sa adbokasiya at buong tapang na hinaharap ang mga panganib kapag naninindigan para sa mga grupong itinuring na pinakamababang antas sa lipunan ( historically marginalized groups ). Bukas ang kanilang pag-iisip, mapanimdim, at alam ang kanilang sariling likas na pagkiling at maling hakbang sila ay nakikipag-alyansa sa mga estudyante, pamilya, at iba pang kawani. Ang mga tagapagturo ay kritikal na may kamalayan at hinihikayat nila ang pagtatanong, kritikal na pag-iisip, at pagkilos dahil pinapalakas ng mga ito ang boses ng estudyante at binibigyan ng kakayahan ang mga mag-aaral. Nauunawaan ng mga tagapagturo ang mga nasa sistema ng rasismo at handang manindigan at maging kinatawan para sa pagbabago. Sila ay mga tagapagturong kontra sa pagkiling at kontra sa rasismo at nananatiling mausisa at matanong upang mas mahusay na suportahan at i-validate ang mga estudyante at pamilya sa kanilang mga inklusibong kapaligiran sa silid-aralan kung saan pinahahalagahan ang pagkakakilanlan, at ang mga iba’t ibang background at karanasan ay itinuturing bilang mga kalakasan. Ang mga tagapagturo ay may kakayahang maunawaan at igalang ang paniniwala at kultura ng iba ( culturally competent ) at nagbibigay ng pagtuturo at hinihikayat ang talakayan tungkol sa magkakaibang pangdaigdigang mga pananaw, na tumutulong sa mga estudyante na pahalagahan at maunawaan ang iba’t ibang kultura at ang kahalagahan ng pagsusumikap para sa katarungan. Tinitiyak nila na ang mga karanasan sa pag-aaral ay may kaugnayan sa buhay ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa maraming aspeto ng pagkakakilanlan, kabilang ang kasarian, pamilya, karanasan, at kultura. Nagbibigay sila ng mga oportunidad para sa mga mag-aaral na tuklasin ang mga kawalang-katarungan at magdisenyo ng mga solusyon habang itinuturo ang mga pamantayan at nilalaman sa mga makabuluhang paraan. Gumagamit ang mga tagapagturo ng mga interactive na mga araling nakatuon sa paglutas ng problema na nagpapataas ng boses ng estudyante at pamumuno ng estudyante habang binibigyang-linaw ang mga kasalukuyang kaganapan at konteksto ng komunidad at nagpapakita ng tiwala sa sariling kakayahan bilang mga tagapagtaguyod para sa pagbabago, binibigyan ng kakayahan ang mga estudyante na gawin din ito. Bukas ang pag-iisip ng mga tagapagturo at pinahahalagahan ang iba’t ibang kaisipan, opinyon, at ideya. Nagbibigay ang mga tagapagturo ng patuloy na may kaugnayang pagtuturo na nagtuturo sa mga mag-aaral sa mga nakaraan at kasalukuyang isyu at mga implikasyon sa hinaharap dahil nakakatulong ang mga ito mabuo ng mga estudyante ang mga kasanayan sa paglutas ng problema na kailangan upang maging mga kumakatawan sa pagbabago. Binibigyan nila ang mga estudyante ng mga oportunidad sa pag-aaral na nakabatay sa solusyon upang kumonekta sa komunidad, tumutulong sa kanilang bumuo ng mga interpersonal na kasanayan at pagiging responsible para sa kanilang komunidad. Nagsasama ang mga tagapagturo ng impormasyon tungkol sa mga oportunidad sa karera at binibigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pamumuno upang magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante gumawa ng pagbabago sa kanilang paaralan, komunidad, at sa isang pandaigdigang antas. Mga Tagapagtaguyod na May Kakayahang Maunawaan at Igalang ang Paniniwala at Kultura ng Iba

17 / Ako ang Vision para sa 2030

Patuloy na Natututong mga Mag-aaral na May Lubos na Kaalaman

Ang mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego ay mga mapanimding patuloy na natututong mag-aaral na nananatiling mausisa at natututo mula sa bukas na pag-uusap sa mga kasamahan mula sa kanilang paaralan at iba pang paaralan, pati na rin sa mga estudyante, pamilya, at mga miyembro ng komunidad. Madaling umangkop ang mga tagapagturo at nananatiling may lubos na kaalaman tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan at pandaigdigang isyu upang maiugnay nila ang mga ideyang ito sa kurikulum at sa buhay ng mga estudyante sa isang lokal na antas. Patuloy nilang pinapaunlad ang kanilang kaalaman ng parehong nilalaman at kasanayan sa pagtuturo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang mga propersyonal at pakikilahok sa patuloy na pagsulong at pag-unlad ng propesyon. Nananatili silang napapanahon sa teknolohiya at mga platform sa kabuuan ng kanilang mga karera. Bukas ang isipan ng mga tagapagturo ng Pinag-isang San Diego at kumikilos nang may integridad at pagiging propesyonal. Nagsisilbi silang mga modelo para sa kanilang mga estudyante pagdating sa pagharap sa mga bago, hindi pamilyar, at iba’t ibang ideya at kapag gumagawa ng sarili nilang digital footprint at gumagamit ng bagong teknolohiya. Pinahahalagahan nila ang magkakaibang pananaw at nagagawang makipag-ugnayan at kumonekta sa isang malawak na hanay ng mga tao. Tinitingnan nila ang mga isyu mula sa iba’t ibang anggulo at iginagalang ang mga magkasalungat na pananaw. Nakikinig sila at nagtatanong upang bumuo ng pang-unawa, hinihikayat ang talakayan sa kanilang mga estudyante, at hinahamon pa ang mga dati nang ideya.

Reaching for the Stars Ava Gatewood Tenth Grade Clairemont High

Life Drawing Zoe Ozereko Eleventh Grade Lincoln High

18 / Ako ang Vision para sa 2030

Profile ng Sistema

Nagtutulungan, Konektado, at Magkakasama para sa Kakayahang Makagawa ng Ninanais na Resulta

Gumagana ang Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego sa isang nagtutulungan, konektado, at magkakasamang paraan upang makamit ang collective efficacy (ang kakayahang makagawa ng ninanais na resulta). Ang propesyonal na pag-aaral ay nakahanay sa mga panlahatang layunin ng distrito. Sinusuportahan nito ang pagkamit ng profile ng mag-aaral at mga nakatuon, panlahatang layunin. Ang pagsasanay sa mga tagapagturo ay ibinibigay para sa anumang inaasahang pagpapatupad, at sinusuportahan ang mga tagapagturo sa pakikipagtulungan sa mga pamilya. Epektibong ginagamit ang teknolohiya upang suportahan ang pagkakaisa sa lahat ng site. Sinusuportahan ang mga magulang, estudyante, at kawani sa paggamit ng teknolohiua upang manatiling konektado at lubos na may kaalaman. Prayoridad namin ang epektibong pakikipag-ugnayan at tinatiyak na ang mga nasa hustong gulang at mag-aaral sa aming sistema ay nakikita at naririnig upang i-maximize ang pagtutulungan at mapanatili ang mga matatag na ugnayan. Ang website ng ating distrito at iba pang mga tech na tool ay naka-streamline, pinapanatiling napapanahon, at ginagamit para sa transparent at epektibong pakikipag-ugnayan, impormasyon, at access sa mga mapagkukunan. Habang kami ay kumokonekta, nakikipagtulungan, at bumubuo ng pagkakaisa, kami ay sumusulong patungo sa collective efficacy, na lubos na nakakaimpluwensya sa tagumpay ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at paniniwalang makakagawa tayo ng pagbabago, mas maraming makakamit ang ating mga estudyante. Binibigyang-diin namin ang pagkakabuklod ng komunidad at tinitiyak na ang ating mga paaralan ay nagkakaisa.

Strung Out Memories Elkannah Scura Tenth Grade SCPA

Neurographic Mark Mark Bell Sixth Grade Taft Middle

Eternal Peace Nathan Hernandez Sixth Grade Taft Middle

20 / Ako ang Vision para sa 2030

Malawak na Hanay ng Mga Dekalidad ng Programa at

Klase upang Tiyakin ang Tagumpay ng Mag-aaral

Pinahahalagahan at sinusuportahan ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego ang isang malawak na hanay ng dekalidad na pagtuturo at pag-aaral. Upang manatiling napapanahon, sinusuportahan namin ang mga estudyante, kawani, at pamilya sa paggamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-access sa mga device. Prayoridad ang digital literacy at ibinibigay ang kurikulum para suportahan ito. Mayroong access ang mga tagapagturo sa pagsasanay sa teknolohiya, at may pagkakapare-pareho sa pagsasama ng

teknolohiya sa pag-aaral batay sa nilalaman at mga pamantayan ng teknolohiya. Nagbibigay kami ng mga kurso sa pag-aaral ng etniko para sa lahat ng mag-aaral. Ang mga estudyante ay may mga oportunidad para sa mas mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at paggalugad ng mga karera sa pamamagitan ng mga kursong batay sa proyekto, STEAM, CTE, kolehiyo, at bokasyonal. Binibigyang-diin namain ang akademikong tagumpay at inihahanay ang mga mapagkukunan upang bigyan ang mga estudyante ng pagpipilian at karanasan.

Bumubuo kami ng pagkakaisa at sinusuportahan ang ating mga estudyante at pamilya .

Joy Within the Classroom Chloe Schauermann Eleventh Grade Kearny High School of Digital Media and Design

21 / Ako ang Vision para sa 2030

Ang garantisado at maisasagawang kurikulum ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego ay dekalidad, mahigpit, tumutugon sa kultura at wika, at inklusibo.Binibigyang-diin nito ang mga kasanayan sa mas mataas na antas ng pag-iisip upang bumuo ng kaalaman at mga kasanayan ng mga mag-aaral. Nagpapakita ito ng paggalang para sa mga kultura, wika at naisabuhay na mga karanasan ng mga estudyante at tinitiyak na ang LAHAT ng estudyante ay may access sa maraming antas ng suporta at acceleration. Nakikita ng mga mag-aaral ang kanilang sarili na sumasalamin sa kurikulum, at ang nilalaman at konteksto ay may kaugnayan to ating mga komunidad ng paaralan. Ang kurikulum ay balanse sa lahat ng pamantayan ng disiplina at may kasamang social-emosyonal na pagsasama sa pag-aaral. Nagbibigay kami ng mga mapagkukunan upang isama ang social-emosyonal na pag-aaral sa mga akademiko ay inihanay ang aming sistema sa pagmamarka sa pagsubaybay sa mga katangian ng profile ng mag-aaral. Dahil garantisado ang kurikulum, ang bawat estudyante ay may access, at mayroong pagkakaisa at pagkakapare-pareho sa buong distrito. Gumagawa kami ng mga desisyon sa pag-aaral at pagtuturo sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga kawani at pagsusuri ng pagiging epektibo ng pagpapatupad ng mga prayoridad na may dekalidad na data. Ang propesyonal na pag-unlad para sa pagpapatupad ng kurikulum ay ang pakikipagtulungan, batay sa pagkakapantay-pantay, batay sa data, at nakasentro sa mag-aaral at tinatanggap nito ang Pangkalahatang Disenyo para sa Pag-aaral

( Universal Design for Learning ). Binibigyan nito ng kakayahan ang mga tagapagturo upang magdisenyo ng epektibong pag-aaral dahil ito ay tumutugon sa iba’t ibang mga istilo sa pagtuturo at pag-aaral. Bumubuo kami ng pagkakaisa at sinusuportahan ang ating mga estudyante at pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuloy-tuloy at pare-parehong mga plataporma sa pagmamarka at mga sistema ng pamamahala ng pag-aaral, kabilang ang nakabatay sa mga pamantayang pag-aaral at pagmamarka.

22 / Ako ang Vision para sa 2030

Nakatuon sa Kapakanan at Pagpapaling para sa isang Kultura ng Emosyonal at Sikolohikal na Kaligtasan

Nakatuon ang Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego sa pagtatatag at pagpapanatili ng kultura ng pisikal, emosyonal, sikolohikal, at pangkultura na kaligtasan para sa lahat. Sinusuportahan at pinoprotektahan namin ang mga tagapagturo, estudyante, at komunidad na nagsusumikap tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, kaligtasan, at katarungang panlipunan lalo na sa harap ng paglaban at pagkakasalungat habang ipinapatupad namin ang mga patakarang ito. Ang aming mga pisikal na kapaligiran ay komportable at nagbibigay ng pisikal na pundasyon upang mapaunlad ang pagkamalikhain, pakikipagsapalaran, pakikipagtulungan, at pagkikibahagi sa mga panunumbalik na kasanayan. Pinapanatili namin ang mga puwang na nakatuon sa pagpapagaling na may sapat na mapagkukunan at nakakatulong sa kagalingan at pag-aaral para sa mga estudyante at kawani. Nag-aalok kami ng napakaraming mga serbisyo ng suporta sa mag-aaral para sa pag-aaral at kalusugan ng pag-iisip. Inuuna ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego ang kapakanan ng mga kawani, estudyante, at mga pamilya ng distrito. Nagtatag kami ng malinaw na mga alituntunin at inaasahan at nagbibigay ng access sa pagsasanay sa mental at emosyonal na kalusugan, mga mapagkukunan, at suporta. Kumokonekta kami sa komunidad at mga lugar na mapagkukunan upang madagdagan ang mga mapagkukunan at personnel ng distrito. Nakikinig kami sa ating mga nasa hustong gulang at tinitiyak na mayroon silang suporta, pagsasanay, balanse, at mga mentor na kailangan ila para sa kanilang sarili at upang suportahan ang mga estudyante.

23 / Ako ang Vision para sa 2030

Sinusuportahan namin ang Dekalidad na Pakikipag-ugnayan sa Pag-aaral ( Quality Learning Interactions ) sa bawat silid-aralan at sa lahat ng antas kasanay ng mga kasanayan sa panunumbalik na hustisya upang matiyak ang ligtas na mga lugar para sa pag-aaral at pagtatrabaho. Sinusubaybayan namin ang kapakanan ng estudyante at kawani at pinapanatili namin ang mga loop ng mapagkukunan, at hakbang upang suportahan ang aming mga estudyante at kawani kung maramdaman man nilang hindi sila ligtas. Ang mga sistema ng disiplina ay nagpapanumbalik, at ang wika ay nagpapatibay para sa mga magkakaibang pagkakakilanlan. feedback. Hinihimok at isinasagawa namin ang transparency at nagbibigay ng mga istraktura, Inuuna ng Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego ang epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga kawani, estudyante, at pamilya upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magbigay daan para sa epektibong pagtutulungan. Ang mga serbisyo sa pagsasalin ay inaaok upang mapaunlakan ang mga magulang, at ang kanilang input ay pinangangasiwaan si pinakamataas na pagsasaalang-alang. Tinatanggal ng aming sistema na nakatuon sa komunidad ang anumang diwa ng hierarchy, ay pinahahalagahan namin ang input mula sa kawani at komunidad. Nakasentro ang aming sistema sa mga mithiin na may kaugnayan sa kultura, at sinisikap naming maunawaan ang maraming pananaw bago gumawa ng malalaking desisyon para sa distrito. Nagbibigay kami ng mga mapagkukunan at pagsasanay para sa mga magulang.

Untitled Portrait Samuel Popow - Eighth Grade - Wilson Middle

Kami ay magkatuwang na tagapagtaguyod para sa mga estudyante at pamilya at nakatuon kami sa positibong pagbabago sa aring mga komunidad at lipunan. Bilang bahagi ng commitment na ito, tumutuon kami sa mga pangkapaligirang imprastraktura at mga operasyon at nagsusumikap upang isulong ang hustisyang pangkapaligiran sa ating mga paaralan at sa buong distrito.

24 / Ako ang Vision para sa 2030

Mataas na Kalidad na Mga Mapagkukunan at Suporta upang Mapanatili ang Magkakaiba, Kinatawan, Lubos na Kwalipikadong Mga Tagapagturo

Ang Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego ay isang inklusibo at nagpapatibay na distrito na pinahahalagahan ang isang magkakaiba at kinatawang kawani. Gumagamit kami ng pantay na mga kasanayan sa pagkuha/pag-hire na sumusuporta sa pag-access, oportunidad, at pagkakaiba-iba at tinitiyak namin na natutugunan namin ang mga pangangailangan ng mga guro upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga mag-aaral. Ang mga sistema ng distrito ang ay nagsisilbi at sumusuporta sa

mga empleyado, at mayroong isang nakatuon at nagmamalasakit na kalidad na tagapagturo sa bawat silid-aralan. Ang mga silid-aralan at paaralan ay ganap na pinondohon, may tauhan, at binibigyan ng mga mapagkukunan at suporta (kabilang ang mapagkumpitensyang suweldo) upang matiyak ang pagkakapantay-pantay upang ang lahat ng mga estudyante sa distrito, anuman ang mga demograpiko, ay makapagtapos na may parehong mga kasanayan at oportunidad.

Dito ako nararapat, Kung saan ako nag-ugat, Kung saan ako umunlad, At kung saan ako namulaklak.

Untitled Robin Hewitt Seventh Grade CPMA Middle

Dito'y tuwang-tuwa ang mga ibon, Kung saan ang sinag ng araw ay tumatama sa lupa, Kung saan sumasayaw ang mga talulot ng bulaklak sa simoy ng hangin, At kung saan buzz buzz sa tuwa. Dito ako nabibilang.

25 / Ako ang Vision para sa 2030

Ang mga sistema at istraktura ay pare-pareho sa buong distrito, at lahat ng kawani, kabilang ang kawani ng suporta, ay kasama sa mga oportunidad sa pag-aaral. Ang pangkalahatang edukasyon, espesyal na edukasyon, at multilingual na edukasyon na mga guro ay gumagamit ng regular na pakikipagtulungan at oras sa pagpaplano upang ang lahat ay makinabang sa bawat isa. Nagsisilbing modelo ang Pinag-isang San Diego para sa patuloy na pagpapabuti sa pamamagitan ng paggamit ng modelo sa paglago at pag-unlad na tumutulong sa mga tagapagturo at sa sistema na mapabuti. Ang distrito ay palaging nagsusumikap na umangkop sa iba’t ibang pangangailangan ng mga mag-aaral at kawani na naaayon sa aming pananaw. Ang naka-embed na trabaho, dekalidad na propesyonal na pagtuturo at pagko-coach ay nagpapatuloy, napapanahon,

sinusuportahan, kasama ang mga kawani ng suporta, at nagbibigay sa mga tagapagturo ng mga pagkakataong umunlad sa propesyon at hinihimok ang kanilang pag-aaral sa isang nagtutulungang proseso. Nagbibigay kami ng sapat na pagsasanay at oras para sa mga layuning propesyonal na pagtatakda ng layunin, mentorship, pakikipagtulungan, at pagpapatupad upang ang lahat ng kawani ay handa upang maramdaman ng mga estudyante, pamilya, at kawani na sila’y pinahahalagahan at matagumpay sa mga makabagong paraan. Pinapanatili namin ang mga kapaligiran na mapagmahal, nakakaengganyo, at emosyonal na ligtas, at isinasama namin ang iba’t ibang aspeto ng kalusugan ng pag-iisip, pagtataguyod sa sarili, at social-emosyonal na pag-aaral sa bawat ginagawa naming desisyon.

Pinapanatili namin ang mga kapaligiran na mapagmahal, nakakaengganyo, at emosyonal na ligtas.

26 / Ako ang Vision para sa 2030

at Umangkop sa Mga Pangangailangan ng Tagapagturo at Mag-aaral Patuloy na Propesyonal na Pag-aaral na Hinihimok ng Katarungan upang Tumugon

Lumilikha ang Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego ng inklusibo at nagpapatibay na mga lugar ng pang-edukasyon para sa kawani kung saan nagbabahagi ng mga ideya at mapagkukunan ang mga tagapagturo sa isang pamamaraan na nakabatay sa kakayahan/lakas sa pag-aaral ng nasa hustong gulang. Ang lahat ng kawani ay may access sa may kaugnayan sa propesyonal na pag-aaral na patuloy na hinihimok ng

pagkakapantay-pantay at pagkakaiba para sa mga site at kawani. Ang propesyonal na pag-aaral ay nakahanay sa Vision para sa 2030 at napabatid ng isang napanatiling loop ng feedback na kinabibilangan ng mga pangangailangan ng estudyante at kawani. Nakabatay ito sa data na sumusuporta sa aming pamamaraan sa pagkakapantay-pantay at tinitiyak na makukuha ng lahat ng estudyante at kawani ang kanilang kailangan.

27 /Ako ang Vision para sa 2030

Ang mga nasa hustong gulang sa Pinag-isang San Diego ay mga patuloy na natututong mag-aaral na palaging umuunlad at sumasalamin. Iginagalang namin namin ito sa pamamagitan ng pag-invest sa patuloy na propesyonal na pag-aaral para sa lahat ng nasa hustong gulang sa sistema, partikular sa paligid ng pagiging inklusibo, kritikal na kamalayan sa sarili, pangkulturang tumutugon na pagtuturo ( culturally responsive pedagogy ), at teknolohiya sa pagtuturo. Ang Propesyonal na Pag-aaral ay nakahanay sa mga layunin ng distrito gaya ng mga kasanayan sa panunumbalik na hustisya at mga etnikong pag-aaral, at ang mga profile ng Vision para sa 2030 ay sistematikong ipinapatupad at isinasagawa. Sinusuportahan ng aming propesyonal na pag-aaral ang multilingual na pag-aaral at mga estudyanteng may kapansanan. Isinasama namin ang boses ng mag-aaral at data bilang feedback at bilang bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na mapabuti ang aming mga kasanayan. Ang propesyonal na pag-aaral ay hindi lamang nakatuon sa “kung ano” ang ituturo sa pangkulturang tumutugon at nagpapanatiling mga paraan gayundin ang “kung bakit” kailangan natin itong gawin habang inuuna natin ang panlipunang hustisya, pagkakaiba-iba, at pagsasama. Ipinapakita ng nasusukat na data na ang pagsasanay at propesyonal na pag-aaral ay positibong nakakaapekto sa pag-aaral at kapakanan ng mag-aaral sa lahat ng grupong ng mag-aaral. Nakatuon ang Pinag-isang San Diego sa pagtiyak na ang lahat ng kawani at mga mag-aaral ay nakakakuha ng kailangang suporta at mga mapagkukunan upang umunlad at magtagumpay.

Jazlyn’s Identity Jazlyn Juarez Salgado Second Grade Balboa Elementary

Self Awareness Lydia Schiff Twelfth Grade Scripps Ranch High

I Will Be Strong Kalel

First Grade Chesterton Elementary

Love Grows Bettye Wood Second Grade - Sequoia Elementary

28 / Ako ang Vision para sa 2030

Mga Pagkilala/Pagtanggap Mga Estudyanteng Intern Cipriana Bethea, East Village

Impure Portrait Lyn Alba Eleventh Grade - Crawford High

Angelica Campos, Morse Vanessa Castro, SD Met Abbie Darling, Patrick Henry Alex Dowie, SD School of Creative and Performing Arts Leonardo Garcia, Kearny Emilia Godinez, Mission Bay Fayyad Hassan, Mount Everest Academy Maya Hotta, University City Ava Mulno, Point Loma Alexandra Quach, Hoover Gabriella Sayas, San Diego Giovannie Smith, Lincoln Evelyn Soto, Hoover Roy Vijay, La Jolla Anya Yu-Swanson, Scripps Ranch Lupon ng Edukasyon ng Paaralang Sharlena Nguyen, Madison Emilya (Scarlet) Ni, Crawford Miyembro ng Lupon ng Estudyante - Lea Nepomuceno Miyembro ng Lupon ng Estudyante - Matthew Quitoriano Superintendente Dr. Lamont A. Jackson Pangalawang Superintendente Dr. Fabiola Bagula Mga Namumuno sa Proyekto Callie Harrington Esther Brown Jeralyn Johnson Distrito A - Sabrina Bazzo Distrito B - Shana Hazan Distrito C - Cody Petterson Distrito D - Richard Barrera Distrito E - Sharon Whitehurst- Payne

Untitled Anna Gnip Seventh Grade - De Portola Middle

29 / Ako ang Vision para sa 2030

Mga Tagapangasiwa Dr. Dulcinea Hearn Jessica Navarra Namumunong Mga Tagapayong Guro Dr. Michael Vea Marissa Allan Max (Henry) Maxfield Tagapayo sa Disenyo Scott Hebeisen, Kearny Mesa High, Paaralan ng Digital Media at Design

Digital Portrait Tessa Macrano Eighth Grade - Marshall Middle

Sylvia Ulloa Pamela King Jen Carpenter Dr. Haydee Zavala Sarah Mathews Elizabeth Perry Maria Schembri Mick Rabin

Mga Kredit sa Paglalarawan at Larawan

Kredit sa Pamagat “Ako ang Vision para sa 2030” Maraming miyembro ng komunidad ang nagbigay ng mga ideya para sa pamagat ng ating pananaw o vision . Ang pamagat na napili para sa dokumentong ito ay iminungkahi ni George Lappas at Omar. Salamat sa lahat ng nag-alok ng pamagat para sa Vision na ito! ang nangasiwa ng paligsahan sa sining. Salamat sa lahat ng estudyante at guro na nagsumite ng ginawa para sa konsiderasyon! Ang lahat ng likhang sining at pagkuha ng litrato ay nagmula sa ating komunidad. Sina Lori Sokolowski at Donald Masse (Departamento ng Visual at Performing Arts)

Digital Portrait Marshall Gerber Eighth Grade - Marshall Middle

30 / Ako ang Vision para sa 2030

Page 1 Page 2 Page 3 Page 4 Page 5 Page 6 Page 7 Page 8 Page 9 Page 10 Page 11 Page 12 Page 13 Page 14 Page 15 Page 16 Page 17 Page 18 Page 19 Page 20 Page 21 Page 22 Page 23 Page 24 Page 25 Page 26 Page 27 Page 28 Page 29 Page 30 Page 31 Page 32 Page 33 Page 34

Made with FlippingBook - professional solution for displaying marketing and sales documents online